Vatican Time 4: Need some saving?
Mas minabuti nalang ni Carlo na wag munang pagtuunan ng pansin ang pulang buhangin na nawala kanina. Dapat muna niyang alalahanin ay ang mga kailangan niyang linisin. Nagbalik siya sa may park kung saan siya nakaduty na maglinis. Marami-rami na ring dahon ang naroon kesa nung umalis siya kanina. Nagsimula na naman siyang maglinis. Walis dito at walis d'yan ang ginagawa niya sa loob ng lagpas isang oras. Nagpunta naman siya sa may gym para magpalit ng gamit dahil iyon ang malapit na pwedeng kuhanan ng gamit.
Mabilis naman niyang nakita si Venice na halos magdikit ang dalawang kilay dahil sa pinagagawa ng mga studyante niya. Dahil wala naman siyang balak na guluhin ito. Nagpasok siya sa storage room ng gym para kumuha ng gamit. Paglabas niya ay nakita niyang nakangisi na si Venice habang napapalunok naman ang mga studyante niya.
Sa pagkakataong ito ay inihahagis-hagis ni Venice ang hawak niyang dice na palagi niyang dala. Naisip niyang makipaglaro muna sa mga ito para makapagpatanggal ng inis niya nang dahil din sa mga ito. Dahil ss naiisip niyang plano ay hindi niya mapigilang mapangisi. Pansin din niya si Carlo na pumasok sa gym para magpalit yata ng gamit.
"Ano simulan na natin?" nakangisi niyang tanong.
Gusto na niyang matawa sa itsura ng mga studyante niya dahil mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Pay back time," bulong niya.
"Sino mauuna?" tanong niya uli sa mga studyante niya.
Inilibot naman niya ang paningin niya hanggang dumapo ang paningin niya sa pasimuno nang pang-iinis sa kanya kanina.
"Oh Mr," wika niya sabay turo sa isang lalaki.
"Odd or Even?" tanong niya rito.
"Even," simpleng sagot na ito na pilit na itinatago ang takot nito sa kanya.
"Anong gagawin mo pag odd to?" nakangisi niyang tanong sa studyante niya.
Napalunok naman ito dahil natatakot na ito sa kanya.
"Magpupush up ako ng bente," matapang na tugon nito.
Hindi naman nawala ang ngisi sa labi niya.
"Sure at pag-even to 100 na ang grade mo sa gagawing practicum na gagawin natin. Para may trill kung odd ay kung anong numero ang lumabas ay yun ang multiplier?" swesyon naman ni Venice.
Napatango naman ang kausap niya.
"Fair enough," tugon sa kanya nito.
"Okay," wika niya sabay hulog ng dice.
Gumulong naman sa sahig ang dice at ang nasa itaas ay 3. Nakakaloko namang namang lumingon si Venice sa kausap niya.
"60 pushups," utos niya.
Mabilis naman na nag-volunteer ang iba para malaman kung meron ba silang swerteng dalawa. Hindi naman bumaba sa bente ang pusta ng mga studyante niya na gagawing exercise para makuha ang grade. Mangilan-ngila ding nakakakuha ng mga maganda at mabilis namang hihiningi ni Venice ang mga pangalan nila. Dahil sadyang mabilis ang oras ay natapos na ang klase niya at oras na rin para sa lunch.
Nakita naman niya si Carlo sa isang tabi ni nagmo-mop ng sahig. Mabilis siyang lumapit at inakbayan ito.
"Yow! Musta ang huwarang janitor of the year?" nakangisi niyang bati dito.
Malamig namang tiningnan siya ni Carlo sabay tawa ng malakas. Kaya bigla niya itong nasapak. Kahit hinahagod ni Carlo ang parte na sinapok ni Venice ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.
"Epic yun," natatawang pa ring wika ni Carlo.
Mabilis namang hinablot ni Venice ang mop niya at aktong ipapalo sa kanya nang biglang pinisil ni Carlo ang pupulsuhan niya na dahilan para mahulog ang mop. Sinamaan niya ng tingin si Carlo dahil namamanhid na ang kamay niya. Tawa na lang ang tinugon ni Carlo sa kanya. Tumingin naman ito sa oras niya sa braso.
"Lunch na pala," wika nito na nagpaparinig kay Venice.
Tinaasan naman ni Venice ng kilay si Carlo.
"Pake ko?" masungit niyang tugon.
Tinawanan na lang uli siya ni Carlo at inakbayan siya nito.
"Lokohin mo ang sarili mo, alam kong nilapitan mo ako para yayaing maglunch," parabg nanloloko na wika ni Carlo kay Venice.
Halos magdikit na naman ang kilay ni Venice dahil mukhang pinagloloko siya ng kausap niya. Sadyang wala siyang magawa dahil namamanhid ang kamay niya.
"Lika na, kain na tayo. KKB," yaya ni Carlo na nag-iba na naman ng expresyon na ngayon ay mukhabg sincere na.
Wala naman ulit na nagawa si Venice kundi ang magpahila kay Carlo. Nagpunta sila sa Cafeteria ng University para umorder ng makakain. Dahil hila-hila siya ni Carlo na ngayon ay wagas kung makangiti ay parang binigyan sila ng daan ng mga studyante. Wala namang isang minuto ay nakakuha naman ng pagkain dalawa at dumiretso sa table na walang tao. Sa kalagitnaan sila ng pagkain biglang may magsalita.
"May problema?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Venice sa dalawang babae.
"Pwedeng maki share?" tanong nito sa kanya.
"Hindi, kita mong puno na ang lamesa namin. Makikitabi ka pa? Marami pa namang bakante ah?" masungit na wika ni Venice.
Parang sinampal ng magkabila ang dalawang babae at mabilis namang naglakad papalayo ang babae.
"Grabe siya, parang hindi teacher," sarcastic na puna ni Carlo.
Sarcastic namang tumawa si Venice at nagroll eyes.
"Bakit? Paki mo ba? Kita mo namang puno na yung table tapos magpapaupo ka pa. Kung gusto hanap ka ng sarili mo," mataray na wika ni Venice.
Tumawa na lang ng mahina si Carlo at tumuloy na sa pagkain.
"Nga pala after lunch tapos na ang shift mo diba? Dun ka pupunta sa detention para magbantay?" wika ni Venice.
"Oo, bakit?" tanong ni Carlo na tuloy pa rin sa pagkain.
"Kuhanin mo daw ang vest mo sa clinic. Tapos punta ka sa assigned room ng detention," wika ni Venice.
"Eh ikaw? Saan ang punta mo pagkatapos ng lunch?" tanong naman ni Carlo.
"Marami pa akong klase ng P.E.. Pinurga yata ako nung mga superior. Grabe sila," komento ni Venice at muling nilantakan ang pagkain niya na halos 3/4 ng laman ng table nila.
"Napaisip ako, bakit ka nakapasa sa Test of Glutton? Eh parang PG ka?" hindi mapigilang tanong ni Carlo.
Tinaasan naman ni Venice at tinuloy ang pagkain.
"Well, nangunguna sa vocabulary ko ang salitang MODERATION," simpleng wika ni Venice at itinuloy ang pagkain.
Tumahimik lang si Carlo dahil wala na rin siyang naisip itanong. Mga ilang minuto naman ay nagpunta na si Carlo sa Clinic. Pagkapasok na pagkapasok niya ay bumungad sa kanya si Gail.
"Musta Carlo," nakangiting bati ni Gail na kakatapos lang kumain.
Ngiti na lang si Carlo at naupo sa may table.
"Bakit ako nandito?" tanong ni Carlo.
"Base sa mga nabasa ko sa bio mo. Tapos ka daw ng Psychology?" tanong ni Gail.
"Oo tapos po ako ng Psyche. Ano pong meron?" tanong ni Carlo na hindi makuha ang point ni Gail.
"Wala lang, mukhang pwede kang magdalawang trabaho. Isa sa utility at dito sa Clinic," swesyon ni Gail.
"Pwede naman," simpleng tugon ni Carlo.
Napatango-tango na lang si Gail dahil mukhang sang-ayon naman si Carlo sa opinyon at swesyon niya. Tumayo naman siya at kinuha ang isang Doctor's vest sa may upuan sabay hagis kay Carlo ng vest.
"Suotin mo yan, mas magandang nakasuot ka niya. Gawa ka na rin ng kwento kung tinanong kung bakit dalawa ang trabaho mo," wika ni Gail.
Mabilis namang tumango si Carlo.
"Salamat," paalam nito bago lumabas.
Mabilis namamg bumalik si Carlo at dumungaw sa may pintuan.
"Miss, saang room yujg detention?" tanong nito.
Nasapol naman ni Gail ang noo niya na hindi niya naalala amg bagay na iyon. Nagpilit siyang ngumiti sa direksyon ni Carlo.
"Room 506 Academic Building," mabilis niyang tugon.
Tumango naman si Carlo at naglakad paalis. Medyo naggiging makakalimutin si Gail dahil sa dami ng bagay na kailangan niyang alalahanin. Lalo na ng dumagdag si Carlo na may kakaibang personality.
"Siguro natutunan niya iyon dahil sa pinag-aralan niya iyon," conclude ni Gail para hindi na niya isipin ang tungkol kay Carlo.
Naglalakad si Carlo papaakyat ng 5 floor ng Academic Building para sa detention na inassign sa kanya. Medyo napagod siya sa pag-akyat dahil sa taas ng floor kung saan siya nakaassign. Nakabagsak na ang balikat niya ng kumatok at pumasok siya sa Room 506. Bigla namang nagsitahimik ang mga nasa loob dahil baka si Venice ang pumasok.
"Kumusta?" bati ni Carlo kasabay ang pilit na ngiti dahil sa pagod.
"Teka ikaw po yung Janitor di ba? Bakit kayo nakadoctor vest?" tanong ng isang studyante sa kanya.
"Dahil dalawa ang trabaho ko. Swesyon yun nung mga tao sa Clinic dahil tapos na naman ang duty ko ng 12 kaya para hindi nasasayang dun ako sa clinic dahil nakapagtapos naman ako. Sayang ang sahod," make up story ni Carlo na halatang totoo ang sinasabi.
"Nagtitipid na po ba ang School?" tanong naman ng isa.
"Hindi, sadyang janitor lang ang inaplayan ko," simpleng tugon niya uli at naupo sa upuan ng Teacher's table.
"So, sir may license na kayo?" tanong naman ng isa.
"Yep, at nga pala ako dapat ang nagtatanong sa inyo niyan di ba?" kalmadong wika ni Carlo sabay ngiti.
Napatango na lang yung ibang studyate dahil baka pwede nilang biruin si Carlo na hindi na lang ituloy ang detention.
"Bakit pala kayo nandito, yung majority?" tanong ni Carlo para masimulan na niya ang detention.
"Maingay sa corridor,"
"Littering,"
"Stepping on the grass,"
"Loitering,"
"PDA,"
Napatango-tango na lang si Carlo dahil puro minor offence lang naman ang nagawa nila. Hindi niya mapigilang mapangisi dahil mukhang walang sinasanto si Venice kahit ito yung nangunguna na rule breaker sa Headquarters.
"Sir bakit po kayo ngumisi? May ipapagawa po ba kayo?" medyo takot na tanong ng isang studyate nang mapansing ngumisi si Carlodahil baka katulad o mas masahol pa siya sa Disciplinary Adviser.
Mabilis namang iniba ni Carlo ang expresyon niya para matakot ng mga studyante sa kanya. Sobrang bait personality muna siya. Tumawa siya ng mahina.
"Wala naman. One on one kayo sa akin. Pagkatapos ninyo akong makausap ay balik kayo sa upuan ninyo. Pwede ninyong ipaikot ang upuan at magkwentuhan o maglaro ng phone ninyo basta wag lang kayong masyadong magulo at maingay para hindi tayo mahalata," paliwanag niya ng sobrang kalmado.
Nawindang naman ang ibang studyanteng nandoon dahil parang advisory class ang mangyayari hindi Detention.
"Sir sigurado po ba kayo?" tanong nung isang studyante.
Napatango naman si Carlo at ningitian ang kausap niya.
"Bakit? Gusto mo bag ibahin ko? Pwede naman," nakangiting biro niya sa studyante.
Biglang namula ang studyante dahil sa akala niya totohanin ni Carlo ang sinabi niya na wala naman siyang balak.
"Okay na ba tayo sa kondisyon ko? Win-Win na to para sa ating lahat," wika ni Carlo dahil baka may magtanong pa.
"Okay na po yan Sir!"
"Da best choice na po yan!"
"Best Detention EVER,"
Napangiti na lang si Carlo at nagsimulang tawagin isa-isa ang mga studyante.
"Bakit ka nga pala pinadala dito?" tanong ni Carlo.
"Nagkalat po kasi ako," nakatungong wika ng unang tinawag niya.
Hinawakan naman ni Carlo ang baba ng studyante.
"Alam mo, hindi magandang palagi ka nakatungo. It's better na umayos ka ng tingin. Wag kang mahiya, hindi naman ako nangangagat," malumanay na wika ni Carlo at binitiwan niya ang baba nito.
Alam ni Carlo na may ilang studyante na nahihiya dahil mukhang ngayon lang nadala sa detention at dahil kailangan niyang pakibagayan ang mga ito ay kailangan niyang ifull force ang kabaitan niya at pagkakamaunawain niyang personality ngayon. Napansin niyang medyo umaliwalas ang mukha ng studyante kaya napangiti na lang si Carlo.
"Simulan na natin," nakangiti niyang wika.
Nagsimula namang magkwento ang studyante. Hinayaan naman ni Carlo na magkwento ito dahil pansin niyang marami itong dala-dala. Tumatango-tango siya sa bawat kwento nito. Nang sandaling matapos ito ay binigyan niya ng kaunting payo bilang isang psychologist. Medyo nakangiti namang bumalik sa upuan niya ang studyante. Tinawag naman niya ang susunod at tulad ng nauna medyo nahiya pa ito sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang siya at hinayaang magkwento ang bawat studyante na kaone on one niya. May mga sandaling hindi niya mapigilang mapangiti sa bawat kwento nito. Binigyan siya ng gist ng ups and down ng mga studyante niya. Halos tumagal ng dalawa at kalahating oras ang nagging pagkausap niya sa lahat ng studyante sa loob.
Napatingin siya sa relo niya dahil may kalahating oras pa siya. Nang mapansin naman ng studyante na wala ng kausap si Carlo ay nagsitahimik na sila dahil nakuha niya ang respeto nila.
"Meron pa naman tayong kalahating oras at mukhang hindi ko naman kayo pwede palabasin agad kaya kwentuhan na lang tayo," swesyon niya sa mga studyante.
"Si Sir hindi man lang napagod kakausap sa amin," biro ng isa.
Tumawa naman si Carlo at ningitian ang buong klase.
"Ayaw ninyo? Ako naman anh pwede ninyong tanungin," nakangiti niyang wika matapos niyang tumawa.
"Geh, sir!"
"Payback time!"
"Masaya to,"
"Sir may girlfriend ba kayo?" hindi mapigilabg tanong ng isang studyante.
"Uhmmm, wala eh. Gusto mo mag-apply?" biro niya sabay kindat sa studyante.
Bigla namang namula ito at sumubsob sa table niya.
"Ayyyeeeeiiii!" tili naman ng mga babae at siniko naman ng mga kaibigan yung kinindatan ni Carlo.
"Si Sir, flirt," asar nung mga kalalakihan.
...
Comments (0)
See all