...
"Oo naman, marami pa kasi akong gagawin. Babalikan ko na lang ito mamaya," hindi nagdalawang isip na wika ni Carlo bago iabot sa studyante ang timba at mop.
Mabilis naman siyang nagpaalam si Carlo bago pumunta sa canteen. Dahil wala pa namang gaanong studyante ay mabilis siyang nakakuha ng pagkain at dumiretso sa may gym para panoorin ang mga nangyayari doon.
Napangiti na lang siya dahil hindi dinala ni Venice ang badtrip niya hanggang pagtuturo dahil sa active nitong pakikipaglaro sa mga studyante. Parang siya pa ang naghamon dito kaya mukhang tuwang-tuwa siya dahil nakahanap na siya ng katapat. Mabilis namang natapos si Carlo sa pagkain niya at dumiretso sa basurahan para itapon ang mga balat ng pinagkainan.
Lumingon pa siya kay Venice bago bumalik sa Utility Room para tingnan ang checklist na binigay sa kanya kaninang umaga. Mukhang nagawa na naman niyang tapusin ang halos sa 3/4 ng mga ito. Tangging ang likod na lang ng Science building at gym na lang ang natitira.
Mabilis naman niyang kinuha ang walis at tambo saka naman siya dumiretso sa likod ng Science Building. Dumaan muna siya sa may Guard House para kumuha ng extrang kadena at lock. Napangiti naman siya ng kinuha naman ng Guard ang espesyal na kadena at lock na hindi gaanong nahalata dahil mukhang simpleng kadena at lock lang ito dahil medyo kinakalawang na.
"Carlo, ito yung lock na pinapalagay ng Direktor dun sa may gate sa likod ng Science Building. Ngayon ko lang ulit nakita ito kaya yung iba na lang ang ginagamit namin pero palaging sira bago umabot ng maghapon," wika ng Guard bago ibigay kay Carlo ang lock.
Tumango na lang si Carlo at kinuha ang lock. Nagpaalam pa siya bago pumunta sa likod ng Science Building. Inina niyang i-lock ang gate at sunod na nagwalis ng likod ng Building. Napataas naman ang kilay niya ng makita ang dalawang studyante na may dalang ax.
"Anong ginagawa ninyo d'yan?" tanong niya sa dalawa.
Mabilis na nagkatinginan ang dalawa at nagtatakbo. Naiwanan na lang ng dalawa ang ax na dala nila. Napailing nalang si Carlo at kinuha ang ax. Tinapos muna niya ang pagwawalis bago dumiretso sa may Storage room.
"Nahuli mo yung mga batang nagsisira ng lock?" agad na tanong sa kanya ng Guard na nagbigay sa kanya ng lock.
"Hindi eh. Bigla nalang nagtatakbo papalayo nung tinanong ko. Kaya hindi ko gaanong namukhaan," simpleng tugon niya sa Guard.
"Ganoon ba? Saan mo naman dadalhin yan?" tanong uli sa kanya.
"Sa storage room siguro. Wala naman ibang pwedeng paglagyan nito di ba?" tugon niya.
"May malapit na storage room sa may Guard House. Dun mo nalang ilagay dahil wala namang mag-iisip na nandun yan," wika ng Guard at tinapik ang balikat ni Carlo bago pumunta sa may canteen para mag break sandali.
Inihagis pa nito ang susi kay Carlo bago tuluyang dumiretso. Nagpunta naman si Carlo sa sinasabibg Storage Room ng guard. Mabilis naman niyang binuksan ang storage at pinasok ang ax na dala niya. Mabilis naman din niyang ikinandado ang Storage.
Bigla naman niyang naalala yung mop at timba na binigay niya sa studyante. Naglalakad na siya papunta sa Building kung saan niya iniwan ang mop at timba sa studyante.
"Yow, Carlo," tawag sa kanya ni Harold.
"Ano pong meron sir?" tanong niya rito.
"Punta ka muna ng Clinic. Mag-undertime ka muna bilang janitor kailangan ng psychologist dun. Wala din si Gail ngayon," wika ni Harold.
"Magbibihis lang muna ako ng medyo maayos at didiretso na lang ako dun," tugon niya.
Tinapik-tapik na lang ni Harold ang balikat ni Carlo bago dumiretso sa may Utility Room para makapagpalit. Papasok siya ng Utility Room ng may marinig siyang mga boses.
"Ano naman ito? Nilagyan ng proofing itong secret box. Ang malala pa isa yatang intercessor ang naglagay. Pagminamalas ka naman oh," wika ng isang tinig sa loob.
"May tao ba d'yan?" painosente niyang tanong at binuksan ang pintuan.
Wala naman nagging sagot. Tuloy-tuloy namang pumasok si Carlo at inilibot ang paningin sa buong kwarto pero wala siyang nakita.
"Siguro imahinasyon ko lang yun," wika niya at nasapol ang noo.
"Carlo, subukan mo rin kasing matulog at hindi pagbabasa ng psychology book ang inaatupag mo," pag-compose niya sa sarili at kinuha ang bag niya.
Mabilis naman siyang lumabas at dire-diretso sa may banyo. Mga ilang minuto pa ay nakasuot na siya ng doctor's vest habang hinihintay anh sinasabing kinakailangan ng counseling ni Harold.
Pumasok naman ang isang babae nahanggang balikat ang buhok at medyo takot ang itsura. Halata naman ni Carlo na miyembro ng cheering squad ang babae.
"Maupo ka muna," wika niya sabay turo sa upuan sa tapat niya.
Mabilis namang naupo ang babae sa silyang tinuro niya.
"Hinga ka muna ng malalim. Inhale... Exhale," panimula niya.
Sumunod naman ang babae.
"Isa pa, inhale... exhale," wika niya.
Sumunod naman ang babae at nailang beses pang inulit ni Carlo ang breathing procedure. Nang mapansin niyanv medyo kumalma na ito ay nagsimula na siyang magtanong.
"Meron ka bang gustong ikwento? Bakit ka nga pala parang takot na takot?" tanong niya rito.
Medyo nanginginig na hinawakan ng babae ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.
"Marami akong nakitang patay kanina. Maraming dugo ang nakakalat sa paligid," nanginginig na salaysay nto.
Napatango na lang si Carlo.
"May iba ka pa bang nakita except sa mga patay?" tanong niya.
"Star na nakaguhit sa sahig na ginuhit yata ng dugo. Tapos may mga nakita akong mga taong nakaitim na cloak. Sobrang daming boses akong marinig at hindi ko maintindihan sa dami nilang nagsasalita," dagdag nito.
Napatango na lang uli si Carlo at hinawakan ang kamay ng babae.
"Calm yourself. Hingang malalim," wika ni Carlo at muling pinagrelax ang babae.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong niya.
"Myra, called me Myra," medyo na relax na wika ng babae.
Sumandal naman si Carlo sa kinauupuan niya. Medyo kalat-kalat ang theory niya kung ano ang kausap. Napatingin naman siya kay Myra nang biglang takpan nito ang dalawang tenga.
"I had a bad feeling about this," bulong niya.
"Anong nararamdaman mo?" bigla niyang tanong.
"Marami sila! Bulong ng bulong. Hindi ko alam ang gagawin," hindi maintindihan na wika ni Myra.
Huminga muna ng malalim si Carlo at diretsahang tiningnan si Myra.
"Hinga ng malalim. Pakalmahin mo ang sarili mo," nagmamadaling utos niya dahil kahit siya ay masama ang pakiramdam tungkol sa akto ni Myra.
Parang napipilitang umiling si Myra at pilit na pinipigil ang sarili.
"Hindi ko na kaya!" nahihirapang wika nito.
Napamura na lang si Carlo dahil hindi niya alam ang gagawin dahil palagi siyang nasa battle field ipinapadala hindi sa counseling office. Mga ilang segundo pa ay sumigaw na ng malakas si Myra na nagtulak kay Carlo papunta sa pader.
Nagliwanag naman ang cross emblem ni Carlo sa dibdib na nagsisilbing proteksyon niya bilang isang intercessor. Hindi naman makaalis si Carlo sa pwesto niya sa pagkakatama sa pader dahil sa matinding pwersang tumutulak sa kanya at pilit siyang binabaon sa pader. Napaupo na lang si Myra sa sahig matapos niyang sumigaw. Nagsimula naman siyang nag-iiyak dahil hindi niya maintindihan ang gagawin. Medyo ininda ni Carlo ang sakit ng likod ng tumama sa pader.
Utay-utay naman siyang tumayo at nagpunta kay Myra para patigilin ito sa pag-iyak dahil ito ang kailangan niyang gawin. A sort of responsibility. Pinilit naman niyang lapitan si Myra kahit kumikirot pa ang likod niya sa pagtama sa pader. Hindi niya mapigilang mapangiwi habang paunti-unting naglalakad ng maayos sa direksyon ni Myra para hindi halatang nasaktan siya dahil dadagdag pa iyon sa iniisip ng babae. Nang magawa niyang makarating kay Myra with #StruggleIsReal ay agad niya itong pinatahan.
"Shhhhh, tahan na. Wala ka namang nasira o nasaktan eh," pagsisinungaling niya tungkol sa nasaktan.
Medyo tumitigil naman si Myra nang mapansing wala naman siyang nasira sa buong kwarto o nasaktan.
"Bumubulong pa rin sila," bulong nito kay Carlo na pinapahid ang luha nito.
Lumunok si Carlo dahil nakumpirma na niya kung ano si Myra. Niyakap niya ito at bigla niyang naramdaman ang masamang presensyang nakapalibot dito. Naalala naman niya ang isa sa mga dasal na itinuro sa kanila para sa ganitong sitwasyon.
Now, Master, you may let your servant go in peace, according to your word, for my eyes have seen your salvation, which you prepared in sight of all the people, a light for revelation to the Gentiles, and glory for your people Israel.
Mabilis namang nahawi ang masama na presensya na nakapalibot kay Myra. Nagging maluwag naman ang paghinga nito at tinulungan naman ni Carlo si Myra na umupo sa silya nito at medyo utay-utay siyang umupo sa upuan niya pero hindi naman napapansin ni Myra na iniinda niya ang masakit na likod.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Carlo.
"Ano po bang ginawa ninyo kasi parang lumuwag kasi ang pakiramdam ko?" tanong naman sa kanya ni Myra.
Ngumiti naman si Carlo kahit masakit ang likod niya dahil magaling siyang kumopya ng personality.
"It's my job. As intercessor," simpleng sagot niya.
"Wait? Intercessor? Ano yun?" Tanong naman ni Myra.
Ngumisi naman si Carlo at aktong sasagutin na ang tanong ni Myra ng biglang bumukas ang pinto. Inuluwa nun si Gail na pawis na pawis.
"Carlo..."
---
Comments (0)
See all