Vatican Time 7: Perks of being a Sadish
Napahilot na lang si Venice sa sintido niya. Pinapahinga muna niya ang sarili mula sa pang-iinis ni Carlo sa Zone office. Ipinikit naman muna niya ang mga mata para makatulog kaunti. Dahil medyo maaga siya ngayon ay wala pang ibang tao sa faculty. Halos tatlong minuto pa lang siyang nakapikit ng nagsimula na ulit na umingay.
Isinandal na lang niya ang sarili sa kinauupuan niya pero sadyang maingay ang mga ito at tuloy pa rin ang pakikipagkwentuhan. Dahil hindi makapagpahinga ng maayos si Venice sa kinauupuan niya ay bigla siyang tumayo para pumunta sa mas tahimik na lugar.
Napatingin at napatahimik na lang ang dalawang prof. na nag-kwekwentuhan. Napatingin lang ang dalawa sa kanya. Dahil sadyang hindi friendly ni Venice at mabilis niyang tinalikuran ang dalawa habang may aura na nagsasabing DO NOT DISTURB. Nakatingin na lang sa kanya ang dalawa na parang wala sa sarili dahil sa nakakatakot na aura niya.
"Remind me na wag masyadong maingay pagmalapit siya. Nakakatakot!" wika ng isa sa dalawang prof. na nandoon.
Naglalakad naman si Venice sa third floor ng building na nakatapat sa park kung saan naglilinis si Carlo. Medyo natigilan siya sa strange aura na naramdaman niya malapit sa tapat ng park. Mas minabuti na lang muna niya na wag munang pansinin iyon sa ngayon ang gusto niya ay makahanap na pwedeng tulugan bago magsimula ang klase niya mamaya.
Nakahanap naman siya ng isang bakanteng upuan na nakakalat sa corridor at doon sumubsob. Mabilis naman niyang ipinikit ang mga mata. Nakarinig naman siya ng malalakas na yapak ng sapatos mula sa kinauupuan niya. Mabilis niyang itinaas ang ulo niya para tingnan kung sino ang nag-iingay. Nang makita niyang dalawang studyante at mabilis na kumunot ang noo niya. Tumayo naman siya at nagcross arms.
Hindi naman napansin ng dalawa na nagdadaldalan si Venice na sobrang sama na ng tingin sa kanila. Nagtawanan pa ang dalawa na ikinakulo pa ng dugo ni Venice.
"Mukhang wala yata kayong naririnig no?" seryoso niyang wika habang nakacross arms at may napapalibutan ng nakakatakot na aura.
Napatigil at napatingin ang dalawa kay Venice. Hindi naman mapigilan ng dalawa na mapalunok dahil sa unang araw palang nito ay nagkaroon na ng reformation ng disciplinary committee. Ang tinaguriang may galit sa mga studyante ay ngayon kaharap na nila.
"Alam n'yon yung feeling na puyat ka at naghahanap ka ng tahimik na lugar tapos may mga mag-iingay na lang bigla-bigla," nakakatakot na wika ni Venice na may kasamang nakakatakot na titig na parang papatay anumang oras.
"Alam n'yo yung pakiramdam?" pag-uulit niya.
Napailing na lang ang dalawa at natakot na kay Venice dahil parang may maitim na aura ang nakapalibot dito.
"Mamili kayo, aalis kayo ng tahimik dito para makaidlip ako ng kaunti o magsasama-sama tayo mamaya sa detention?!" nakakatakot na tanong ni Venice.
Mabilis na nagkatinginan ang dalawa at mabilis na pumunta sa hagdanan para makaalis na. Humikab na lang si Venice at naglakad pabalik sa silya para umidlip man lang muna. Muli siyang sumubsob para sana umidlip.
"Akala ko talaga kung ano na. Yun pala puyat at pagod lang at naghahanap ng matutulugan," bulong ng malapit sa kanya.
Nakarinig ririnig pa ng mga bulungan si Venice at sigurado siya na nasa harap lang niya ito nag-uusap. Itinaas naman niya ang kanyang uli at tiningnan ang dalawa. Nakaramdam naman ng nakakatakot na aura sa kinatatayuan nila. Sabay silang napalingon kay Venice na nakatingin sa kanila na parang papatay anumang oras
"Hehe, aalis na kami," medyo awkward na wika ng studyante habang hinihila ang kwelyo nito na aktong natataranta na.i
"Di ba sinabi ko bumaba na kayo?" panimula ni Venice na sobrang sama ng tingin.
Napalunok naman ang dalawa dahil hindi na nila gusto ang tingin ni Venice sa kanila.
"Tatandaan ko ang mga mukha ninyo at hihintayin ko kayo sa Detention mamaya. Siguraduhin ninyong pupunta kayo kundi huhuntingin ko kayo. Yun lang," banta ni Venice sa dalawa at sinenyasan ang dalawa na umalis na.
Nang ngumiti si Venice ay mabilis na nagtatakbo pababa ang dalawa.
"Nakakainis. Andaming pang gulo," reklamo niya at muling sumubsob sa armrest ng kinauupuan niya.
Halos nakaidlip naman siya ng tatlopung minuto na walang nang-iistorbo sa tulog niya. Nang maramdaman niya na medyo maliwanag na sa kinanauupuan niya ay bumangon siya at tumayo. Naghihikab siyang dumiretso sa C.R. na malapit sa kanya.
Mabilis naman nuyang kinuha sa bulsa niya ang suklay na palagi niyang dala. Naghihikab pa siyang nagsuklay at nag-inat. May mga babae sanang papasok pero napatigil ito nang magtama ang tingin niya pati ng mga ito.
Yung tingin niya ay parang wag-mo-akong-iistorbohin-look na ordinaryo naman para kanya anga ganoong tingin. Naghikab pa siya bago tapusin ang pag-aayos ng buhok niya. Hindi rin naman naikakaila na maganda siya pero hindi niya gaanong nabibigyan ng pansin dahil mas inuuna niya ang experience over looks. Alam niyang pagpapaganda ang inuna niya ay pwedeng maraming mapabayaan. She just need to look simple as always para hindi ganoon ka pansinin.
Lumabas naman siya sa C.R. na parang hinahangin ang buhok niya. Mabilis namang nahawi ang mga studyante dahil parang nasa isang fashion show siya at siya ang nag-iisang bida. Balak din sanang sipulan ng ilang kalalakihan pero naalala ng mga ito ang ugali niya kaya mas minabuti na nila na wag na lang gawin iyon.
Nakarating naman siya sa Faculty ng walang gaanong aberya dahil na rin sa nakakatakot niyang aura. Binati naman siya ng ilan sa mga medyo kasundo niyang professor. Ngumiti naman siya at masayang binati pabalik.
Nagpunta naman siya sa table niya para tingnan ang mga schedule niya ngayong araw. Medyo wala pa namang siyang klase ngayong umaga at puro panghapon lang lahat. Naghikab pa muna siya at nilabas ang prayer book na palagi niyang dala at nagbasa ng kaunti.
"Venice!" bati ni Raven.
Isa sa mga naunang nagpakilala si Raven sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ng faculty. Nauna lang ng isang sem si Raven kesa sa kanya. Hindi naman na kailangan ni Venice si Carlo para malaman ang personality nito dahil alam na ni Venice kung anong ugali mayroon ang lalaki. Nagdadasal naman si Venice na hindi makatagpo ni Carlo si Raven dahil ayaw niyang makopya nito ang ugali ni Raven. Isang malaking M.
"Oh kumusta?" cold niyang bati dito na hindi lumilingon.
"Grabe ka sa akin, hindi mo man lang ako bibigyan ng oras mo," bulong nito sa kanya at ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa kanya.
Pinisil-pisil naman ni Raven ang balikat niya. Hindi tulad ng ginawa na pagpisil ni General Seals sa kanya na isa at madiin para malaman niya ang pagkakamali niya. Samantalang itong si Raven ay sigurado siyang may halong malisya.
"I'm just dealing with you PROFESSIONALLY, wala namang iba. Isa pa yung braso mo pakitanggal na kung ayaw mong wala ka ng braso pag-sikat ng araw bukas," wika ni Venice sabay tingin at ngiti kay Raven.
Nakaramdam naman ng kakaibang aura si Raven kay Venice na mukhang balak niyang gawin ang sinabi niya. Napalunok na lang siya at awkward na tumawa dahil yung ngiti na ni Venice kakaiba na ang sinasabi. Bumalik naman si Venice sa pagbabasa ng prayer booklet niya.
Dahil hindi naman pinansin uli ni Venice si Raven ay kagat labi siyang bumalik sa table niya. Nagging awkward naman ang buong faculty dahil sa pagprangka ni Venice kay Raven. Medyo nagging balita din kahapon sa faculty na balak ligawan ni Raven ang kapwa Professor nito pero ngayon pa lang ay busted na si Raven. Sumulyap naman si Raven kay Venice na patuloy lang na nagbabasa ng prayer booklet nito.
Tumayo naman si Venice at kinuha ang gamit niya na dadalhin sa pagtuturo. Naghihikab pa siyang pumunta sa gym. Kahit na wala siya sa mood ay mabilis na nahahawi ang mga studyante dahil takot ito sa kanya.
"Ang bait talaga nung doctor na nagbantay sa atin kahapon. Gwapi na mabait pa," wika ng isang studyante na napadaan malapit sa kanya.
Mabilis namang napatahimik ang nga studyante nung makitang nakatingin siya dito. Mabilis namang naglakad ang studyante habang kinakaladkad ang kasama nito. Nagtuloy na lang sa paglalakad si Venice papuntang gym.
Medyo maganda naman ang nagging pakilala sa kanya ng mga studyante kaya maganda ang mood niya sa pagtuturo. Mga ilang beses rin siyang nakipagbiruan sa mga estudyante niya. May isa namang namang naghamon sa kanya para makipaglaro kaya game siyang sumali.
Pansin din niyang pabalik-balik si Raven sa gym pero wala siyabg balak pansinin ito. Medyo pagod siyang naupo sa may upuan sa gym habang pinapanood niya ang mga klase niya na maglaro muna. Wala siyang balak na magturo muna ngayong linggo kaya hahayaan na lang muna niya itong maglaro. May naupo naman sa mag tabi niya. Napatingin na lang siya kung sino ito. Si Raven na may dalang bote ng tubig. Mabilis naman siyang tumayo na hindi gaanong napapansin nito para pumunta ng Canteen para bumili ng tubig.
"Pabantay ng gamit ko," sigaw niya nang malapit na siya sa may pinto ng Gym.
Sa pagkakataong namang iyon ay saka siya napansin ni Raven na wala na sa tabi niya. Dahil nakatulala ito kung paano siya nakarating sa pintuan ng gym. Dumaan siya sa may park para tingnan si Carlo na nagwawalis pero parang sa iba nakatuon ang pansin nito.
Mabilis naman niyang inilibot ang paningin at ang nakakuha ng pansin niya ang isang studyante na nakalambitin na. Mukhang alam ni Carlo ang gagawin nito ay hinayaan na lang ni Venice na gawin nito ang gusto nito. Dumiretso naman siya sa may Canteen at kumuha ng maiinom at pwedeng pampalipas gutom. Bumalik naman si Venice sa mga studyante na nakahiga na sa sahig ng gym.
"Akala ko ba maglalaro pa kayo?" tanong niya sa mga studyante na nakahiga.
"Ma'am, nakakapagod. Di kami handa," hingal na tugon ng isa sa mga studyante sa kanya.
Napatango-tango na lans si Venice at nagcross arms.
"Ganun ba lesson na lang tayo. Saulado ko naman ang lesson natin. Simulan ko na?" tanong niya rito.
Mabilis namang nagsitayuan ang mga studyante na parang nakabawi agad ng lakas.
"Ma'am! Maglalaro na po kami uli," medyo awkward na wika ng Studyante.
Napatango na lang si Venice at kinuha ang bola ng volleyball at inihagis sa isang studyante.
"Handa na kayo?" nakangising wika niya at sinenyasan na maglalaro sila.
Mabilis namang nagets ng mga studyante niya at nagsimula na naman silang maglaro. Mabilis namang natapos ang oras ng klase at nakangiti naman ang iba na umalis ng dismissal. Naghihikab naman si Venice na bumalik ng klase dahil meron pa siyang isang oras bago ulit ang sunod na klase niya sa P.E..
Sumubsob muna siya sa mesa para makaidlip muna. Nakaramdam naman ng mga ilang tapik sa balikat niya. Mabilis niyang itinaas ang ulo at sinamaan ng tingin kung sino ang nang bulabog ng pagtulog niya.
"Kumusta?" nakangiting bati sa kanya ni Raven.
Muli namang sumubsob si Venice sa table niya. Nakaramdam pa siya uli ng ilang tapik sa balikat niya. Dahil hindi siya makatulog dahil sa patuloy na pagtapik sa kanya. Bumangon siya at kinompose muna ang sarili bago tumingin kay Raven.
"May kailangan ka?!" nakangiti at kalmado ang tono pero kung makatingin ay parang papatay ang ginamit ni Venice kay Raven.
"Libre ka ba mamayang Lunch?" tanong nito sa kanya.
Ngumiti naman ng malaki si Venice at tila binigyan pa ng pag-asa si Raven.
"Totoo niyan..."
"Payag ka?" mabilis na putol sa kanya ni Raven.
"Hindi, may kasama na ako mamayang lunch eh. Marami-rami din kaming pag-uusapan," nakangiting sagot ni Venice.
Napangiwi naman si Raven pero agad din namang ngumiti para hindi halata na nasaktan siya.
"Isa pa wag ka nang umasa. Career woman ako," nakangiti niyang sagot bago bumalik ang tingin sa table niya.
Napaurong naman si Raven at medyo nakatungong bumalik sa lamesa niya. Lumapit naman ang isa sa mga Prof na medyo kaclose ni Venice.
"Grabe busted agad?" medyo natatawang wika nito kay Venice.
"Nahhhh, marami pa naman iba d'yan. Isa pa, mas mahalaga sa akin ang trabaho ko," simpleng tugon niya at nagbuklat ng mga notes sa subject na hawak niya.
"So, may chance siya?" tanong pa nito.
Natawa na lang si Venice.
"Grabe ka ma'am, pero wala talaga siyang chance. Off limits ko ang love life sa ngayon," natatawang sagot ni Venice dito.
...
Comments (0)
See all