"Hello! Good morning my name is Victoria but you can call me Victory" aking pagpapakilala habang naka tayo sa harapan. kakalipat ko lang kasi ng school
well, lagi naman ako lumilipat ng bahay kaya siyempre lumilipat din ng school at i think hindi na big deal yon para sakin. lagi kasi kaming lumilipat ni mama for some reasons
Umupo na ako sa aking upuan pag tapos mag pa kilala.
"Miss. Shimizu?" pag tawag saakin ng aming teacher. grade 9 palang kasi ako and yes! My full name is Victoria Shimizu half japanese kasi ako. si papa ko yung hapon pero di ako marunong mag salita ng wika nila since dito ako pinanganak ni mama. di pa nga ako nakakarating sa japan, tas si papa naman ano, nevermind.
lumapit ako sa aming teacher upang tanungin kung bakit niya ako tinawag. "maam bakit po?"
"Narinig ko na kasi yung chismis" sabi niya saakin na nagbigay ng malakas na tibok ng puso at kaba saakin.
"maam Kim, a- ano pp-pong ibig niyong sabihin?" aking pagtatanong na meron pang konting pag ka utal.
"ang tsismis na ikaw daw ay dating top 1 sa school mo"
"ahh.. opo maam, akala ko naman po kung ano hehe"
Bumalik na ako sa upuan na meron paring konting kaba. Di parin kasi ako maka move on.
"okay ka lang?" tanong nung katabi ko.
"ah, oo okay lang ako" sagot ko naman, Ako kasi yung taong magaling mag panggap.
"ano name mo?" tanong niya ulit
"di mo ba narinig kanina? Ako si victory" sabi ko sakanya with highnote pa yon
"ay sorry naman ah. Btw, im karina"
"tinatanong?" pag mamaldita ko pa
Wala na kasi akong tiwala sa mga tao. Lahat sila pare pareho, sa una lang sila mabait sa halos walong beses kong pag lipat ng school sa una ambait bait nila pero nung nagkamali lang ako ng isang beses. Sabay sabay nila ako tinapakan at tinalikuran. Minsan nga kahit di ako nag kakamali tinatapakan na nila ako.
"ay sorry naman ah makaalis na nga" sabi ni karina at nag pa alam kay maam kim para pumunta sa banyo
"no you can't karina" pag tutol ni maam kim kay karina na pumuntang banyo.
"maam bakit nama—" hindi na niya nadugtungan ang kanyang sinasabi ng may pumasok na isang lalaki sa pinto.
"Ohh nandito ka na pala Miko" pang bungad ni maam kim sa binatang pumasok
Well, may itsura siya at type ko siya pero no way. Magalit pa sakin mama ko.
"Okay class mag sitayuan kayong lahat" at tumayo naman kaming lahat.
"Sabay sabay niyong batiin si miko dahil lilipat na siya dito galing lang naman siya sa section 1!" at binati naman namin si miko
eh ano naman kung galling siya sa section 1? Hindi naman lahat ng tao sa section 1 matalino yung iba sipsip lang or may extra bayad sa school. oops.
"Good morning im name is miko" pag papakilala niya.
Okay! Alam ko na kung bakit to ibinagsak mula sa section 1 patungo section 2. Bumagsak to sa English feeling ko.
Tumawa naman ang buong klase dahil sa kanyang pagpapakilala.
"OKAY CLASS TAHIMEEEEE---" natigil ang pag sigaw ni maam kim ng may sumabat na babae.
"REALLLY??!! NAGKAMALI LANG SIYA NG ISANG BESES PINAGTAWANAN NIYO NA!? NAGKAMALI LANG SA "IM" TAWA NA AGAD KAYONG LAHAT?!! PAANO NAMAN YUNG NAGAWA NIYANG TAMA WHICH IS YUNG "GOOD MORNING" TSAKA "NAME IS MIKO" PINALAKPAKAN NIYO BA???!! PINALAKPAKAN NIYO BA!!!!????" sigaw ng babae.
At ang babaeng sumigaw ay walang iba kundi
Ako.
Ayoko kasi sa mga taong puro pagkakamali lang ang nakikita, tulad nalang sa dati kong paaralan. Lagi nalang yung pagkakamali ko nakikita nila that's why AYOKO.
At mas lalong ayoko makakita ng taong inaapi ng dahil lamang sila ay nagkamali. Ginusto man nila ang pagkakamali o hindi tao parin sila. Si jesus nga pinatawad tayong lahat, tao pa kaya?
Masyadong tense ang nangyari kaya naman umupo nalamang ako at ganon din ang mga kaklase ko.
"uhm.. okay miko, anak umupo ka na sa iyong upuan." Sabi ni maam kim
Umupo naman na si miko sa upuan. Pero di ko alam kung saan siya naka upo nakaka hiya kaya first day ko dito tapos napaka OA ko sumigaw kaya naka tungo lang ako.
Napatayo ako ng naramdaman ko na nag bavibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.
"MAAM, CAN I GO TO BATHROOM?" pagtatanong ko kay maam kim
At katulad lang ng sagot niya kay karina siya ay tumutol dito.
"MAAM PLEASE?? I REALLY NEED TO GO!" pag mama ka awa ko. Pumunta na ako sa tabi niya dahil malapit lang sa kanya ang pintuan
"no ms. Shimizu, may lesson po tayo."
"MAAM PLEASEEE????!!" aking pag mama ka awa to the highest level at lumapit na ako sa pintuan. Balak ko kasing tumakbo palabas pag nag hindi pa siya pumayag.
"Bibilang ako ng tatlo ms Shimizu at kapag di ka pa bumalik sa upuan mo ipapatawag ko ang parents mo."
"1"
"2"
"5!!!!"
"TAKBOO!!!!"
Sigaw ko sabay takbo hanggang maka baba ng hagdan.
Nagtago muna ako sa library dahil ayon lang naman ang alam kong lugar dito since kakalipat ko nga lang. nasa 4th floor lang kasi yung library tas room naman namin 5th floor. Sa baba lang ng room naming tong library.
"maam saan po dito yung cr?" tanong ko sa librarian.
"isa sa 5th floor, isa sa 3rd, at isa din sa 1st" sagot niya.
"thank you po, thank you po"
Hindi ako pwede mag punta sa 5th kasi nandon yung room ko so sa 3rd nalang ako pupunta. Hindi naman ako naniniwala na hahabulin ako ni maam kim papunta dito sobrang haba kaya ng hagdan tapos yung elevator sira.
Pumasok na ako sa cr upang tignan kung sino ang tumawag sakin.
"POTAAAAAA?!!" akala ko naman kung sino na yung tumawag. Yung yaya lang pala namin. Patay ako nito nag sayang lang ako ng energy tas nagalit pa saakin si maam para lang dito???!!
Lumabas na ako sa cr- "MS SHIMIZU! COME TO THE GUIDANCE OFFICE NOW!!!!!!!" sigaw ni maam kim.
-------------- TO BE CONTINUED --------------
English version soon!! :)
Comments (0)
See all