Bakit kaya lahat sila nakatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha? O baka naman hindi on fleek yung lipstick ko? Napa-takip ako ng bibig at dumiretso agad sa restroom para ayusin. Naiirita ako habang tumitingin sa salamin—hindi pantay ang lipstick ko! Pinunasan ko ng tissue yung lumagpas sa linya ng labi ko. Akala ko pa man din ay nagagandahan sila sa akin. Yun pala, lagpas-lagpas ang lipstick ko!
Confident akong lumabas ng banyo at ngumiti pa sa mga tao habang papunta sa elevator. Matagal na rin akong nagtatrabaho sa Stratify Aetheris, pero ni minsan hindi ko pa nakikilala ang boss ko. Maraming nagsasabi na maganda siya, pero masungit. Hay, sana naman magkakasundo kami.
Ting!
Narating ko na rin ang floor ko. Dumiretso ako sa table ko at sinimulang ayusin ang mga papeles. Pero bakit parang sobrang tahimik ngayon? Lahat abala sa trabaho, parang may hinahabol na deadline. Anong nangyayari? Late ba ako sa balita? O masyado ko lang pinagtuunan ng pansin yung lipstick ko kanina?
"Ms. Jung, anong meron?" tanong ko sa kasamahan ko na parang makikipag-karera sa bilis ng kilos. Huminto siya at napanganga.
"Bakit?" nag-aalala kong tanong.
"Di mo ba alam? Ngayon ang dating ng boss mo!" sagot niya, sabay iling. "Nakapagtataka nga, mas inuna mo pa yang lipstick mo kesa magmadali sa papers."
Iniwan niya akong tulala. Tangina! Makikilala ko na rin ang boss ko?!
Asan na yung pisting folders na yun?! Kanina ko pa hinahanap yung mga importanteng documents pero parang ayaw magpakita. Bakit kapag kailangan ko, nawawala? Pero kapag hindi ko hinahanap, kusa namang lumilitaw? Hustisya naman!
Nagmamadali akong naghalungkat sa mesa ko. Kanina pa ako nag-ru-rush, bakit hindi ko man lang alam na ngayong araw ang dating ng boss ko?! Wala akong kwentang secretary! Hanggang sa napayuko ako, at sa wakas, nakita ko rin ang folder na kanina ko pa hinahanap. Nasa ilalim lang pala!
Masaya kong kinuha ang folder pero natigilan ako nang may humintong pulang heels sa harap ko. Mapuputing kutis at matangkad—sinundan ng mata ko pataas at nagtama ang tingin namin. Napalunok ako. Ang ganda niya! Parang anghel na bumaba mula sa langit.
Ang hugis ng mukha niya, ang ilong niyang parang button nose, at ang mapupula niyang labi... Did I just check her out?!
"Tapos ka na bang titigan ako?" mataray niyang tanong, sabay halukipkip ng mga braso. Shit, pati boses niya, ang ganda.
"Miss, ikaw si Summer San Beda, tama ba?" Tumango ako nang walang alinlangan.
"Then, Ms. San Beda... YOU'RE FIRED."
"Po?" Mahina kong saad, hindi makapaniwala sa narinig ko.
"Teka naman, sino po ba kayo?" tanong ko, medyo naiinis na rin. Ang bilis naman niya makapag-"You're fired!"—para bang siya ang may-ari ng kumpanya o... siya nga ba ang boss ko?
"Nagtratrabaho ka dito, pero hindi mo kilala ang boss mo?" sabi niya, tila hindi makapaniwala.
"Shocks! Buti pinaalala mo," mabilis kong binaba yung folder sa table at nagmamadaling tumayo. "Ma'am, wala pa po kasi si boss dito, at katunayan, hinihintay ko siya ngayon. Kung bisita ka ni boss, pwede bang wag mo munang sabihin sa kanya?" Magmamakaawa na sana ako, pero bigla na lang tumaas ang kilay niya. Bakit ganun siya? Anong problema niya?
"Please, ma'am, may pinag-aaral kasi akong kapatid. Isa pa, hindi ko talaga sinasadyang titigan kayo—ang ganda niyo kasi, mala-anghel ang mukha niyo." Shit, bakit ko nasabi yun?!
"Inulit mo pa?" inis niyang sabi.
"Ah, wala ma'am, tuloy na po kayo sa office niya," sabi ko, sabay ngiti nang pilit. "Do you want coffee or any snacks po?" Pero parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Sa sobrang kaba ko, wala na akong nagawa kundi hawakan ang kamay niya. Grabe, ang lambot ng kamay niya! "Tara, ma'am, sabihin ko na lang kay boss na may bisita siya." Hinila ko siya papunta sa office, at pina-upo siya sa waiting area.
Pero bago ko pa mabuksan ang pinto, narinig ko ang malamig niyang boses. "Miss, who do you think you are?" Napalingon ako, at bumungad sa akin ang matalim niyang tingin na parang tigre.
"Hindi mo talaga kilala kung sino ako?" Napatango ako, kinakabahan.
"Bagong empleyado ka siguro," sabi niya, dahan-dahang lumalapit hanggang halos magpantay na ang aming mga mukha. Noon ko lang napansin kung gaano kahaba ang pilikmata niya, at ang eyebrow niya—natural na on fleek.
"Ako lang naman si Alexis Fontaine, ang boss mo."
Napalunok ako. Siya na nga!
"Wag na wag mong uulitin ang ginawa mo. Papalampasin ko ang kahihiyang idinulot mo sa akin ngayon, pero kung maulit..." Tumitig siya ng malapitan, halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin. "Wala ka nang trabahong papasukan dito."
Agad-agad akong tumango. "Sorry, ma'am, kasi kinakabahan talaga ako—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pinigilan niya ang bibig ko gamit ang daliri niya.
"I don't need your stupid reason. Next time, know your level." Tinanggal niya ang daliri niya sa labi ko. Feeling ko tuloy nahalikan ko yun.
Tinalikuran niya ako at dumiretso sa desk niya, umupo sa swivel chair na parang walang nangyari. Ako naman, tila nanatili akong nakatanga sa kinalalagyan ko.
"Get out. I don't need your presence," malamig niyang utos.
Napalunok ulit ako bago ako tuluyang lumabas ng opisina niya. Dumiretso ako sa desk ko, hawak-hawak ang dibdib ko. Bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko? Ang mga mata niya, sobrang nakakabighani, pero mas lalo na yung mapupula niyang labi... Ano kayang lasa nun kapag hinalikan ko? Napalaki ang mata ko sa naiisip ko. Hinawakan ko ang pisngi ko. "Kailan pa ako naging tibo?"
“Ms. Jung!” tawag ko sa babaeng walang ibang ginagawa kundi mag-xerox nang mag-xerox. “Bakit hindi mo man lang sinabi na si Ma’am Alexis pala ang boss ko?” Naiinis na ako kay Ms. Jung, akala ko pa naman BFF na kami.
“At bakit naging kasalanan ko pa iyon?” mataray niyang sagot. “Isa pa, di ba, nasa tungkulin mo na alamin kung sino ang boss mo?” dagdag niya, na may halong galit.
“Ms. Jung, napahiya kasi ako, akala ko kung sinong anghel ang bumaba mula sa langit.” Naalala ko ulit ang kagandahan ni Ma’am Alexis. “Bakit ganun ka-ganda si ma’am, artista ba siya?”
“Hindi, pero engaged na siya,” sagot niya, sabay ngiti.
Napakunot noo ako. Ano naman pake ko sa relasyon niya? Ang layo naman ng tanong ko sa sagot niya. “Aminin mo nga, crush mo ba si Ma’am Alexis?”
“Aba, maghunus-dili ka dyan, Ms. Jung! Hindi ko crush si ma’am, nagagandahan lang ako. Atsaka may boyfriend at straight po ako,” confident kong sagot. Never akong magpapabaliko! At besides, sobrang lucky ko na dahil boyfriend ko ang nag-iisang Evan Reyes.
“Maiwan na nga kita,” inis kong sabi, dahil nakakairita na yung ngisi niya. Parang hindi siya naniniwala.
Busy akong nagta-type sa desktop. Kanina ko pa kasi tinatapos yung pinapa-type sa akin ni Ms. Victoria—hinihingi din kasi sa akin ni Ma’am Alexis yung copy. Wala na akong magawa kundi magmadali. Nakakapanibago, dati ako pa yung lalapit kay Ms. Jung kung may kailangan siya. Ngayon, parang wala na akong oras dahil sa dami ng utos ng boss ko.
Ring!
Napatigil ako sa pagta-type nang tumunog ang telepono. Sinagot ko kaagad ang tawag.
“Hello, this is Ms. Fontaine’s secretary.”
“Summer,” sabi ng nasa kabilang linya. Napa-blink ako. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Napahawak ako sa dibdib ko.
“Yes, ma’am?”
“Come to my office. Immediately,” tapos bigla niyang binaba ang telepono.
Napa-inhale at exhale ako sabay sampal sa sarili ko. Nababaliw na ba ako? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nag-sneak ng peak. Nag-gesture siya na pumasok ako. Kaya pumasok ako at sinara ang pinto.
“Ma’am, may kailangan po ba kayo?” tanong ko. Ngayon ko lang napansin na ang daming papeles sa desk niya. Mukhang sobrang busy siya—first day niya pa lang pero tambak na kagad siya nang trabaho.
“Bakit ganito ang natanggap nating patient satisfaction scores ngayong buwan? Base sa reports, hindi kapani-paniwala na bumaba ang quality of care at overall ratings natin.”
“Ma’am, dahil po sa issue nung nakaraang linggo. Si Ma’am Louie po kasi nakipag-away sa supplier ng medical equipment,” maingat kong sagot habang nagtama ang aming mga mata.
"Anong kinalaman ng away na iyon?" tanong niya, kita ang iritasyon sa boses.
“Na-delay po kasi ang delivery ng bagong batch ng equipment. Kailangan na sana para sa surgeries at diagnostic procedures, pero dahil sa delay, nagkaroon ng backlogs sa mga appointments at treatments. Kaya maraming pasyente ang nagreklamo sa mabagal na serbisyo.”
Halata sa mukha niya ang pagka-inis. Alam ko magpinsan sila ni Ma’am Louie.
“You may go,” malamig niyang saad. Nagpaalam ako at mabilis na lumabas ng opisina.
Napahinga ako nang malalim, parang kanina ko pa pinipigilan ang paghinga ko. Aish! Naguguluhan na talaga ako.

Comments (0)
See all