Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Ginto't Pilak

Ika-labing-anim na Bahagi

Ika-labing-anim na Bahagi

Mar 02, 2026

Bigla akong natigilan, gayon din si Marius na papalapit sa amin.

"`Wag kayong mag-alala, hindi ako sundalo, wala `kong balak sakupin ang lugar na `to!" tumatawa niyang sinabi, "at tingin ko naman, hindi kayo tulad ng iba d'yan na makikitid ang utak at galit sa lahat ng mga taga-Ignus?"

"H-hindi naman," sagot ko, napangiti.

Tinuloy ko ang pakikipagkamay sa kaniya, gayon din si Marius, matapos tumingin sa akin.

"Balita ko nga ay mainit ang tingin ng mga taga-Apolinus sa mga taga-Ignus?" tanong ko sa kaniya. "Sa Hermosa naman ay hindi ganoon ang trato ng mga mamamayan sa kanila."

"Haay... dahil `yan sa mga tsismis na naglipana," sagot niya.

"Tsismis?" tanong kong muli. Mukha ngang mas marami kaming makukuhang balita sa lugar na ito.

"May kumakalat kasing chismis na sinusugod daw ng mga kawal ng Ignus ang mga bayan malapit sa hangganan. Para namang kayang gawin `yun ng Ignus," napasinghap siya. "Alam mo ba, ang daming problema ngayon sa Ignus dahil sa mahabang tagtuyot?"

"Tagtuyot?" tanong ko.

"Oo, pitong taon nang walang ulan sa bansa namin, at dahil do'n, wala na halos natirang halaman sa buong lugar, `liban sa mga hardin sa palasyo. Mas abala ang mga taga-Ignus ngayon sa pag-isip ng paraan para maibsan ang problema sa tagtuyot, kesa mag-isip nang planong pagsakop kung saan!"

"Ngunit... wala ba kayong mga magus ng tubig? Kayang-kaya nilang magpaulan, hindi ba?" tanong ko.

"Oo, kaya nilang magpa-ulan, isa, dalawang beses, bago maubos ang mahika sa katawan nila," sagot ni Nico. "Nakapunta ka na ba sa Ignus, kaibigan?" tanong niya sa akin.

Ako'y napailing.

"Galing sa kalikasan ang mahika, at sa dami ng mga minahan sa `min, eh, matagal nang nasira na ang kalikasan... isa na lang `tong disyerto ngayon. Unti-unti nang nawawala ang mahika sa aming bansa."

Wala akong naisagot kay Nico.

Napatingin lang ako sa malungkot niyang mukha, at kay Marius na masaya pa ring naglalaro kasama ang mga bata.

"K-kung ganon..." ako'y napa-isip, "bakit hindi humihingi ng tulong ang hari ng Ignus sa Emperador?"

"Humingi na sila, kaya nga may hardin sa palasyo, eh, habang ang mga mamamayan, patuloy na naghihirap at nagugutom." Napabuntong hininga si Nico. "Ang huli ko pa'ng balita, hindi na matawagan ng hari ang Emperador, mukhang nakinig s'ya sa mga tsismis na lulusubin s'ya ng Ignus, na gumagawa ng mga sasakyang pandigma ang bansa namin, samantalang makina lang `yun na pang agrikultura, at para gawing tabang ang tubig alat mula sa dagat!"

"Kung gayon, ay wala talagang banta ng gera...?" pabulong kong sinabi.

"Talagang wala. Pero `di mo ba napansin ang lugar na `to?" tanong niya sa akin.

"Anong may roon sa lugar na ito?" tanong kong pabalik.

"Sarado ang halos lahat ng mga bahay ng mga magagaling na artisan sa bayan," sabi niya. "Sabado ngayon, at napakadaming mamimili sa palengke, pero dito halos walang tao. Bakit kaya ganon, sa tingin mo?"

Napaisip ako, ngunit walang mahagilap na dahilan.

"Bakit nga kaya?" tanong ko sa kaniya.

"Dahil may ginagawa silang iba," sagot ni Nico. "Ang bulung-bulungan, eh, may ginagawang kakaibang kontrapsyon ang Emperador, isang kontrapsyon na pwedeng gamitin para lupigin ang isang buong bansa!"

Nanlamig ako sa kaniyang sinabi.

Isang kontrapsiyon?

Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

"Ano naman ang kontrapsyon na iyon?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam, sa totoo lang, nagpunta nga `ko rito para maghanap ng trabaho, kaya lang, nang nalaman nilang taga-Ignus ako, pinalayas nila `ko bigla, muntik pa nga nila `kong ipakulong, eh, buti na lang mabilis akong tumakbo!" natawa siya, pati na rin ako.

"Kaya ba nagtitinda ka na lang ngayon dito?" tanong ko sa kaniya.

"Ganon na nga. Ngayon, bibilhin n'yo ba paninda ko, o paglalaruan lang `yan ng kasama mo?" nginuso niya si Marius na masayang humahabol sa 'Singaw-Tubig', kasama ang mga bata.

"Ah, pasensya na!" inabot ko sa kaniya ang gintong galing kay Marius at dinagdagan pa ito ng tatlong piraso. "Sapat na ba ito para sa mga laruan mo?" tanong ko. "Balak kong kunin silang lahat!"

"Aba! Galante ka pala, kaibigang Tanis!" masaya niyang sinabi. "Dahil d’yan ay may ibibigay pa `ko sa `yong espesyal!"

Tinanggal niya ang kaniyang turban.

Bumagsak sa kaniyang balikat ang mapulang buhoy, at mula sa loob naman ng turban ay may kinuha siyang kontrapsyon.

Para itong isang makapal na tubo na yari sa bakal na nakaanggulo sa may gitna. Nababalot ng malambot na balat ng hayop ang isang parte nito, habang ang kabilang bahagi naman ay silindro na may butas sa dulo.

Sa loob ng nakaanggulong kanto nito ay may nakakabit na bilog na bakal na may pirasong nakausli sa gitna. Sa tuktok naman nito, ay may maliit na bukasan.

"Ano ito, kaibigan?" tanong ko sa kaniya.

"Ito ang tinatawag kong 'Kulog-Bakal'!" pagmamalaki niya sa akin. "`Lika, papakita ko sa `yo kung pano `yan gamitin..."

Hinawakan niya ang parte ng 'Kulog-Bakal' na nababalot ng balat, tapos ay may pinasok na bulitas sa butas nito na may tuktok. Matapos ang bulitas ay may kinuha siyang maliit na paketeng papel na siyang ipinagsiksikan niya sa loob ng butas. Tapos noon ay may hinatak siya na pirasong bakal sa likod nito.

"Nakikita mo ba `yung maya sa may puno?" tanong niya sabay turo sa isang puno na may tatlong pulgada ang layo sa amin.

Tumango naman ako.

Itinutok ni Nico ang 'Kulog-Bakal' sa munting ibon at kinalabit ang bakal na nakausli sa gitna ng bilog sa kanto nito.

"PANG!" tunog ng 'Kulog-Bakal'!

Laking gulat ko, pati na rin nina Marius na napatalon at napalingon sa amin.

Lumipad naman ang maya palayo.

"Ah, mahina talaga `kong pumuntirya!" sabi ni Nico na iiling-iling.

"A-Ang galing!" sambit ko. "Ang puno! Masdan mo! Bumaon ang bulitas sa loob ng sanga ng puno!" nilapitan ko itoo at hinawakan pa iyon. Agad ko ring binawi ang aking kamay. "Ang init ng bulitas!"

"Dahit ginamit n’ya ang enerhiya ng apoy sa pagsabog ng itim na pulbura na nakasiksik sa loob ng papel!" nakangising pinaliwanag sa akin ni Nico.

"At ibibigay mo iyan sa akin?!" tanong ko na `di makapaniwala.

"Oo, sa halaga ng isa pang pirasong ginto!" sabi nito, "Pero payong kaibigan, huwag mong ilalabas ``yan basta-basta, at maraming magkaka-interes d'yan, kaya nga mabuti pang ibigay ko na lang sa `yo. Magagamit mo `yan sa pangangaso."

"Maraming salamat, kaibigan!" masaya kong sinabi, sabay abot ng isa pang pirasong ginto kay Nico. "Angelo!" tawag ko sa aking kasama na nasa may dulo na ng kalsada.

Kumaway sa akin si Marius. Yakap niya ang Singaw-Tubig, at patakbong bumalik sa aming puwesto kasama ang mga bata.

Huli na nang aming napansin ang isang karwahe na biglang lumiko mula sa isang eskinita, diretso itong rumaragasa patungo sa kanila!

"Ingat!" ako'y napasigaw.

Hindi na ako nagdalawang isip pa, ikinapit ko ang aking mga palad sa lapag at inutusan ang lupa.

Inangat ko ang kalsadang patag na bato. Nagmistula itong tulay, pumaibabaw ito kina Marius, dala ang karwaheng hatak ng apat na puting kabayo, at muling bumaba sa kabilang dako namin!

"Marius! Maayos ka ba?!" tawag ko sa aking kabigkis na agad kong nilapitan at niyakap.

"Ayos lang ba kaibigan mo?" tanong ni Nico na lumapin din sa amin.

Tumango si Marius, nanginginig siya habang yakap ang mga batang agad niyang tinakpan nang makita ang karwahe.

Nahulog ang takip sa kaniyang ulo, mabuti at maayos pa rin ang kaniyang maskara, ngunit nakita ni Nico ang kaniyang pilak na buhok, at mukhang nagulat siya rito.

Muli kong itinaas ang kaniyang balabal.

"May masakit ba sa iyo... Angelo?" tanong ko, gamit ang huwad naming pangalan.

"Prinsipe Claudius Marius Angelo Ravante..." bulong ni Nico sa aking tabi.

Pareho kaming napatitig sa kaniya ni Marius. Parehong nabigla at kinabahan.

"At kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Prinsipe Theodorin Tanis Adelbert Heilig."

"Kilala mo kami?" tanong ko sa kaniya, hindi pinahahalata ang pangamba sa aking tinig.

"Sabihin na lang natin na pareho kayong sikat," ngumisi siya, habang iniikot ang kaniyang mahabang buhok na muling tinakpan ng suot niyang turban. "Mukhang tama nga na sa `yo ko ibinigay ang inimbento kong Kulog-Bakal at Singaw-Tubig."

Napasinghap si Marius.

Tumingin kami sa kaniya at nakita ang Singaw-Tubig na nasa lapag, nahulog ito sa gitna ng kaguluhan at nayupi ang harapan.

"Ah, `wag kang mag-alala, madali lang `yan – "

Bago pa matapos ni Nico ang kaniyang sasabihin ay may sumigaw sa amin.

"Ayun sila!" tawag ng isang matandang babae na nakasuot ng magarbong damit at mga nagniningningang alahas. "Sila ang humarang sa aking karwahe at gumamit ng mapanganib na salamangka!" sigaw nito sa tatlong mga kawal na kaniyang kasama.

"Naku, mukhang kailangan na nating umalis!" natatawang sabi ni Nico.

"Huwag kang mag-alala, kami ang bahala sa iyo," sabi ko. "Ang babaeng iyan ang dapat managot sa muntikan na niyang pag-sagasa kay Marius!"

"Ha-ha, nalimutan mo yata kung sino ka ngayon?" sagot ni Nico na hinatak ang kaniyang banig, laman ang kaniyang mga paninda, "Umuwi na kayo!" sigaw niya sa mga bata na agad nagtakbuhan pauwi sa kani-kanilang tahanan.

May ihinagis siyang botilya sa direksyon ng mga kawal. Nabasag ito sa lansangan at naglabas ng napakakapal na usok! Mabilis naman niyang ibinuhol ang mga dulo ng kaniyang banig na inikot niya sa kaniyang likod, tapos ay parehas niya kaming hinatak ni Marius patakbo!

"S-sandali!" Tawag ko sa kaniya, ngunit sa halip na tumigil, ay binitbit pa niya si Marius sa isang balikat at muli akong hinatak!


"Haay... wala na bang humababol sa `tin?" tanong ni Nico na sumilip pabalik mula sa tinataguan naming eskenita.

"W-wala na..." hinihingal kong sagot.

Ibinaba niya si Marius sa tabi ko. Lumabas ang ilang hibla ng kaniyang pilak na buhok dahil sa pagkakabuhat sa kaniya. Binaba niya ang kaniyang balabal at inalis ang maskara niyang natabingi!

"Haa!" mukhang nahirapan din siyang huminga!

"Maayos pa ba ang iyong lagay?" tanong ko sa aking kabigkis. Tumango siya sa akin. Hinimas ko ang kaniyang mukha at inayos ang pilak niyang buhok.

"N-napaka ganda..."

Napalingon ako kay Nico na nakatunganga kay Marius. Buti naman at hindi siya kasing-hina ng ilang tao na ni-hindi magawang magsalita sa harap ng isang Ravante.

"Salamat sa pagtulong sa aming tumakas," sabi ko sa kaniya, "ngunit kinakailangan kong burahin ang iyong-"

"Sandali!" putol niya sa akin habang pilit inaalis ang tingin kay Marius na nakasimangot na sa kaniya. "May importante akong kailangan sabihin sa inyo!"

Sa wakas, nagawa rin niyang ibaling ang tingin sa akin.

"Prinsipe Theodorin," wika niya nang nakayuko, "ipagpaumanhin ninyo, ngunit hindi ako lubos na naging matapat sa inyo, ngunit may magandang kadahilanan para dito."

Nagulat ako sa pormal niyang pananalita.

"Ano ang iyong ibig sabihin?"

Napatingin siya sa paligid, mukhang nag-aalangan. "Bago po ang lahat, maari po ba tayong magtungo sa isang lugar na mapagkakatiwalaan natin?" sabi niya. "May taenga po ang lupa, may pakpak ang balita, at maraming nagtatago sa mga anino, maging sa liwanag."

Nagkatinginan kami ni Marius.

"Sumunod ka sa amin."

 

custom banner
gemvecino
Psynoid Al

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.9k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.5k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.8k likes

  • Huntsman and The Wolf

    Recommendation

    Huntsman and The Wolf

    BL 42 likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.6k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.9k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Ginto't Pilak
Ginto't Pilak

1.4k views1 subscriber

Nagkatagpo ang dalawang malakas na nilalang, at sa kanilang pagkikita, ay nagawang magkabigkis sa isa't-isa.
. . .
For the first time in the empire's history, a Golden Child and a Silver Enchanter are bonded at a very young age.
Both are very powerful magi and are sought after by many to use for their own selfish needs, but all Prince Theo and Prince Marius wants, is to travel the world together and live quietly in their paradise home in the kingdom of Hermosa.
News of war has broken their peaceful days, as the Emperor calls upon his heir, Prince Theo, to fight the aggressive Ignus kingdom who has risen in revolt against the empire.
The two have no choice but to fight to save their empire, as well as themselves from the greed and ambition of those who want to rule over them.

* a tagalog novel
Tignan natin kung may magbabasa :D

------------------------
!!! DISCLAIMER !!!

This novel is a work of fiction.
Any similarity to events, people, objects or places both real or fiction, are merely the product of an overactive imagination, unless specified.

Copyright Gem Vecino 2024 All rights reserved

No part of this online publication or any of its contents may be reproduced, copied, modified or adapted in any way, form, or kind without the prior written consent of the author, Gem Vecino - aka - Alex Rosas - aka - Psynoid Al.
Subscribe

23 episodes

Ika-labing-anim na Bahagi

Ika-labing-anim na Bahagi

28 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next