Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Ginto't Pilak

Ika-labing-walo na Bahagi

Ika-labing-walo na Bahagi

Mar 04, 2026

Pinatago namin si Nico sa loob ng aking palikuran.

Iniwan ko sa aking silid ni Marius, samantalang inalis ko ang dasal sa pinto upang lumabas nang sandali at magpakuha ng pagkain.

"Heneral Gregorio?" tawag ko. "Heneral Gregorio, nasaan ka?"

Narinig ko na may mabilis na tumatakbo papanik sa aking silid. Maya-maya pa ay nakita ko ang hinihingal na heneral palapit sa akin.

"P-Prinsipe Theodorin!" gulat niyang tawag sa akin. "A-ano po ang inyong ginagawa sa loob ng inyong silid?!"

"Anong klaseng tanong iyan?" nagkunwari akong nainis sa kaniyang sinabi. "Hindi ba at tama lamang na nasa loob ako ng sarili kong silid?!"

"S-siya nga po, Prinsipe Theodorin... ngunit... kanina po ay hindi namin kayo mahanap ni Prinsipe Marius..." Napasilip siya at nakita sa loob ng silid si Marius na kumaway pa sa kaniya. "...kaya po nagpautos ang inyong ama na palabasin ang mga sundalo at palihim kayong hanapin sa kabisera!"

"Hindi ba ninyo kami hinanap dito sa aming silid?" tanong ko sa kaniya.

"N-ngunit... wala pong sumasagot sa aming mga tawag... at nang buksan namin ang pinto.."

"Bunuksan ninyo ang pinto sa aking silid nang walang pahintulot?!" tanong ko, galit.

"P-paumanhin po, Prinsipe Theodorin, ngunit ang kapatid po ninyong si Heneral Manuel ang nag-utos sa amin na buksan ang pinto sa inyong..."

"At ang susi sa aking silid?" tanong ko, nakasimangot pa rin. May kinuha si Heneral Gregorio mula sa maliit na lalagyan na nakasabit sa kaniyang baewang.

"May iba pa bang susi sa aking silid?" tanong ko.

"Sa pagkakaalam ko po ay ang inyong amang Emperador lang ang may mahiwagang susi na nakapagbubukas sa lahat ng pinto dito sa palasyo, pati na rin sa buong kastilyo," sabi ng heneral, "Ngunit iyan lang ang nag-iisang susi sa inyong silid, maliban na lang sa susi ninyo."

"Mabuti." Pinaliyab ko ang susi na iyon hanggang sa malusaw ito at tumulo sa sahig. "Mula ngayon ay mahigpit ko nang ipinagbabawal ang sino man na pumasok sa aking silid, kahit pa ang aking mga kapatid. Kahit pa ang mismong Emperador.

Napatitig sa akin ang gulat na heneral. "I-isa po iyang kalapastanganan sa mahal na Emperador!" kaniyang sinabi.

"Siya ay aking ama, at ako ang hahalili sa kaniya," paalala ko sa batang heneral. "At may tiwala akong hindi mo ito sasabihin sa iba. Hindi ba?"

Agad tumango si Heneral Gregorio.

"Ngayon, sabihan mo ang mga kusinero na mag-akyat ng pagkain sa aking silid," utos ko sa kaniya. "Pakisabihan din ang mayordoma na nais ko ng dagdag na mga unan at kumot. Nilalamig kami dahil papalapit na ang taglagas."

"O-opo... masusunod po..." napatingin muli siya kay Marius. Mabuti na lang at nakamaskara ang aking kabigkis.

"Sige, mauna ka na. At ipaalam mo na sa lahat na narito lang kami sa aming silid. Pagod kami, at hindi tatanggap ng dalaw nino man."

"Umalis na ba sila?" tanong ni Nico na nakasilip mula sa palikuran.

"Oo, maari ka nang lumabas," sagot ko.

Kahahatid lang ng mga alalay sa aming hapunan, pati na ang karagdagang kumot at mga unan na aking hiniling.

Mukhang wala kaming balak puntahan ng aking ama, o nang sinuman para kami at tanungin. May kausap daw kasi ang Emperador, at mukhang kasama niya ang mga kapatid ko sa pagtitipon na iyon.

"Sa tingin n'yo, ano kaya pinag-uusapan ng mga `yun?" tanong ni Nico, na narinig ang ibinalita ng Heneral Gregorio sa amin.

Kasalukuyan siyang nagpalit ng manipis na tunika na may maiksing manggas, at pulang pantalon na hanggang hita lamang. Madilim ang kayumanggi niyang balat, kahit pa sa ilalim ng tuniko.

"Sa aking pagkakaalam ay abala ang kapatid ko na si Maestro Aurello sa isang proyekto na matagal na niyang pinag-aaralan, at mukhang interesado ang aking ama sa proyekto na iyon."

"Isang proyekto?" mukhang natawag ang pansin ni Nico. "Si Aurello ang punong mananaliksik dito sa Apolinus, hindi ba?" tanong niya. "Dati ko siyang nakita sa isang pagtitipon ng mga pantas, at nakakamangha ang kaniyang mga nadidiskubre tungkol sa siyensiya!"

"Oo, mula pa nga pagkabata ay masyado nang nagugugol sa pag-aaral at sa mga libro ang kapatid kong iyon." Napangiti ako, naalala ang ilan sa mga naging eksperimento niya. "Dati pa nga ay nagpabukas siya sa akin ng isang lagusan at nagbalak kumuha ng mga nilalang mula sa ibang mundo!" natatawa ko'ng inalala. "Sa huli ay napagalitan kami ng aming ama dahil ang lagusang ginawa ko at lumabas lang sa koral ng mga baboy, at napuno ang aming silid aralan ng maduduming mga hayop na iyon! Napaka ingay nila at ang hirap hulihin!"

Natawa si Nico at pati na rin si Marius sa tabi ko. "Kung gayon ay kaya mo palang magbukas ng mga daanan papuntang ibang mundo?"

Natahimik ako.

"Oo, sa tamang kondisyon," sagot ko. "Ngunit hindi ko nais gawin iyon. Walang nakakaalam kung ano ang maaring naghihintay sa kabila nito."

'Tama na ang inyong usapan,' sulat ni Marius, 'Kailangan nating pag-isipan ang susunod nating mga hakbang! Tandaan ninyo na tumatakbo ang oras, at hindi lang si Lucius ang bihag ng mga taong iyon!'

"Tama!" paalala ko. "Binihag din nila si prinsesa Marielle mula sa Hermosa!"

"Prinsesa Marielle?" tanong ni Nico.

'Ang aking nakatatandang kapatid,' sulat ni Marius.

"Wala namang nabanggit sa `kin si Lucius na bihag na babae..." sabi ni Nico.

"Maaring naka-hiwalay siya..." sagot ko.

'O maaring patay na siya,' nanginginig na sinulat ni Marius.

"Huwag kang mag-isip nang ganiyan, Marius," sabi ko sa kaniya. "Ngunit tama nga na kailangan na nating mag-isip ng plano at agad kumilos."

"Teka!" napatingin bigla si Nico sa kaniyang braso.

May mga pulang letrang lumalabas dito.

"May magaganap daw na pagtitipon bukas?" tanong niya sa amin.

"Isang pagtitipon?" napa-isip ako. "May nabanggit nga ang mga heneral na pag-uusapan ang tungkol sa paglusob ng mga Ignus... marahil ay inusog nila iyon bukas dahil nawala kami buong araw ngayon."

Nakatitig pa rin si Nico sa kaniyang braso. "Ipapamalas daw ng mga Heilig ang kanilang kapangyarihan?"

"Kapangyarihan...? Wala kaming alam tungkol sa pagtitipon na iyan... marahil ay may ipapautos nanaman ang aking Ama sa amin?"

"Doon daw sila dadalhin ng bumihag sa kanila!" sabi ni Nico na ngayon ay nakatingin sa amin. "Mukhang palalabasin nilang sumusugod ang mga Ignus habang nagtitipon kayo!"

"Kung gayon ay kailangan natin silang mahanap bago pa magawa ng mga traidor ang kanilang pinaplano!"

'Hindi ba nasabi ni Lucius kung saan sila dinala ng mga bumihag sa kanila?' tanong ni Marius na pasulat.

"Ang alam lang n'ya, nasa loob daw sila ng madilim na silid," sagot ni Nico. "May takip din sila sa mukha at nakagapos pa ang mga kamay at paa..."

"Kung gayon ay paano siya nakakapagsulat?" tanong ko.

"Pinakakawalan daw sila ng mga bantay para kumain, doon lang s'ya nakakasulat sa `kin." paliwanag ni Nico. "Isang malaking silid daw ang kulungan nila, walang ibang butas kung `di isang pinto sa taas ng bubong, at ang pinaka nakakapag-taka, eh, hindi daw sila makagamit ng mahika sa loob ng silid na `yun."

Bigla akong kinabahan.

"Ang 'Silid ng mga Buwitre'!" bulong ko.

'Anong klaseng silid iyon?' tanong ni Marius.

"Nang bata pa kami, madalas ipanakot sa amin ng aming mayordomo ang lugar na iyon…" sabi ko. "Ang Silid ng mga Buwitre ang siyang pinaglalagyan sa mga batang matitigas ang ulo... hinihigop ng mga dingding nito ang mahika sa katawan ng tao, at hindi ka palalabasin dito hanggang hindi ka natututo."

"Silid ng mga buwitre...?" bulong ni Nico.

"Buwitre... dahil iisa lang ang pinto rito na nasa tuktok ng bubong. Nakabaon ito sa ilalim ng lupa, at sisilipin ka ng mga bantay... ng mga buwitre... titignan nila kung handa ka nang lumabas matapos mong matutunan ang iyong leksyon."

"Alam mo ba kung nasaan ang lugar na `yon, Theodorin?!" tanong ni Nico na napahawak sa aking braso.

"Sa kasamaang palad... ang pagkakaalam ko ay isa lamang itong kathang isip na panakot ng mga matatanda sa mga batang sutil..."

'Kung ganon ay kailangan natin itong hanapin!' sulat ni Marius.

"Tama, mabuti na rin at may ideya na tayo kung nasaan sila!" sabi ni Nico.

'Wala ba siyang ibang napansin sa lugar na iyon?' tanong muli ni Marius.

Napakunot ang noo ni Nico, mukhang malalim ang iniisip. "Nabanggit n'ya dati na may naaamoy s'yang masangsang tuwing pumapasok ang mga bantay nila sa silid..."

"Masangsang..."

'At sa bilis ng pagsagap nila sa mga balita, mukhang malapit lang sila dito sa kabisera,' dagdag ni Marius.

"Masangsang na lugar malapit sa atin... nabanggit ba niya kung malamig sa lugar o mainit? Wala ba siyang naririnig sa paligid?" tanong ko. "At paano nga ba niya naririnig ang mga plano ng mga dumakip sa kanila?"

"May naimbento kasi akong kontrapsyon na maliit na p'wedeng iwan kung saan para mamanmanan ang lugar na `yun," sabi ni Nico. "Tinatawag ko `tong 'Pasagap' at tingin ko, iniwan n'ya `yun sa magandang lugar para marinig ang usapan ng mga bumihag sa kanila... ang 'Pananggap' naman nun ay nakatago sa likod ng tenga niya para marinig ang usapan sa lugar kung san n’ya iniwan ang 'Pasagap'."


"Pananggap?" tanong ko.

"Ang tumatanggap ng tunog, katulad nito..."

Itinagilid ni Nico ang kaniyang ulo at hinawi ang buhok niyang pula. May nakakabit ngang bakal paikot sa likod ng kaniyang taenga.

"Ito naman ang 'Pasagap' ng suot ko." May inilabas naman siyang maliit sa kahon na kasing laki lang ng kuko ng aking hinliliit. "Ang tawag ko dito ay 'Tang-Sap', o Tanggap-Sagap ng Tunog!" ngumiti siya sa amin, nagmamalaki.

"Kung mayroon ka nito, hindi ba maaring masagap mo rin ng naririnig ni Lucius?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi p'wede, dahil iba ang dasal na inilagay ko rito. Bawat isa k'se sa mga gawa ko, kakaiba, at wala ni isa sa kanila ang parehas!" muli niyang pagyayabang.

"Pero, may paraan ka ba para mahanap ang mga ito? O `di kaya ay maitulad ito sa dasal ng 'Tang-Sap' ni Prinsipe Lucius?" tanong ko.

"Hmm..."

Tinanggal ni Nico ang nakakabit sa kaniyang taenga at binuksan ang gitna nito gamit ang kaniyang mahabang kuko. Tapos ay may binutingting siya sa loob nito.

Lumapit ako sa kaniya upang makitang mabuti ang kaniyang ginagawa, at nang mapakapit ako sa kaniyang balikat ay biglang nagliwanay ang kaniyang kamay!

"Wahh!" pati siya ay nagulat! "Ngayon lang naging ganitong kalakas ang mahika sa paligid ko!"

Napatingin siya sa akin na nanglalaki ang mga mata.

"Totoo nga pala na para kang tangke na nag-iimbak ng mahika sa `yong katawan!"

"Ano kamo?" tanong ko sa kaniya.

"Basta't hawakan mo lang ako!" pahabol niyang sinabi.

Binukas niya ang kaniyang palad, at nakita ko ang dalawang magkapatong na tatsulok na lumitaw rito, nasusulat ito sa ginintuang alab ng mahika, tulad nang ginagawa ng mga pantas sa aming bansa!

"Kung hindi ako nagkakamali, ganito ang lakas ng senyales na ginamit ko noon…" Kaniyang binulong habang minamanipula niya ang maliliit na bahaging bakal ng kaniyang 'Pananggap'.

"...At kung malapit nga lang siya ay..."

'PING!'

Tumunog ang hawak niyang 'Tang-Sap' at siya'y napangiti.

"Napaka galing mo talaga, kumag ka!" sabi niya sa kaniyang sarili, sabay dikit ng 'Tang-Sap' sa kaniyang taenga. "Ba't nga ba `di ko agad `to naisip?!"

"Ano ang iyong naririnig?" tanong ko sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniyang tabi at idinikit ang aking taenga sa kaniyang taenga. Lumapit din sa amin si Marius na nagtanggal pa ng maskara upang maki-parinig sa amin!

"S-sandali!" namumulang sabi ni Nico nang mapatingin sa mukha ni Marius.

"Ibigay mo sa akin sandali ang 'Tang-Sap'."

Inabot niya ito sa akin, at magkadikit kaming nakinig dito ni Marius.

May narinig akong mga yabag ng paa.

"Pinakain n'yo na ba sila?" tanong ng isang malaking tinig.

"Kanina pa," sagot ng isa pa.

Natahimik ang paligid.

Pinag-igtingan ko ang pakikinig.

Maya-maya lang ay may narinig akong mahinang tunog...

'Kaa! Kaa!'

Galing sa malayo ang mga tunog.

'Tak-tak-tak-tak-tak-tak...'

"Mukhang alam ko na kung saan sila naroroon," sabi ko sa dalawa kong kasama.


custom banner
gemvecino
Psynoid Al

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.9k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.5k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.8k likes

  • Huntsman and The Wolf

    Recommendation

    Huntsman and The Wolf

    BL 42 likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.6k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.9k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Ginto't Pilak
Ginto't Pilak

1.4k views1 subscriber

Nagkatagpo ang dalawang malakas na nilalang, at sa kanilang pagkikita, ay nagawang magkabigkis sa isa't-isa.
. . .
For the first time in the empire's history, a Golden Child and a Silver Enchanter are bonded at a very young age.
Both are very powerful magi and are sought after by many to use for their own selfish needs, but all Prince Theo and Prince Marius wants, is to travel the world together and live quietly in their paradise home in the kingdom of Hermosa.
News of war has broken their peaceful days, as the Emperor calls upon his heir, Prince Theo, to fight the aggressive Ignus kingdom who has risen in revolt against the empire.
The two have no choice but to fight to save their empire, as well as themselves from the greed and ambition of those who want to rule over them.

* a tagalog novel
Tignan natin kung may magbabasa :D

------------------------
!!! DISCLAIMER !!!

This novel is a work of fiction.
Any similarity to events, people, objects or places both real or fiction, are merely the product of an overactive imagination, unless specified.

Copyright Gem Vecino 2024 All rights reserved

No part of this online publication or any of its contents may be reproduced, copied, modified or adapted in any way, form, or kind without the prior written consent of the author, Gem Vecino - aka - Alex Rosas - aka - Psynoid Al.
Subscribe

23 episodes

Ika-labing-walo na Bahagi

Ika-labing-walo na Bahagi

34 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next